Limang araw kaming walang pasok. Sa limang araw na yun hindi ko man lang naramdaman yung ginhawa sa katawan.
Lagi akong 5am na kung matulog kakagawa sa lintek na android project namin. Sumama na pakiramdam at katawan ko dahil dyan.
IT e </3

March 18-21, 2013
Natulog sa bahay namin yung isa sa bff ko para gumawa kami ng project.
Project na nakakapunyeta.
Ginulo pa kami ng mga iba pa naming kaibigan at nakipag video chat. Pampawala stress din yun.

March 22-24, 2013
Seminar at Presentation sa isa naming subject. Ang mga nandun pa mga taga comelec yung iba at media. Wow lang.

Overnight mga friends ko sa bahay namin.
Haist. Wii. Nasira pa </3 Youtube na lang tuloy ulit </3
Tamang tambay lang. Saktong wala si Mama.

March 25-26, 2013
Hindi ko na matandaan ang mga nangyaring kakaiba.

March 15, 2013
TGIF.
Pumunta kami sa Glorietta para kumain. Naglaro, nagkantahan at nagpalipas ng oras sa Timezone. Bandang gabi niyaya na rin kami ng mga friends ko na pumunta sa Cable Car para uminom at mag beer pong. K, di kami prepared. Haha

March 16, 2013

March 17, 2013
Happy Anniversary Mamu and Papu! :D

March 11, 2013
Sobrang wala pa ko sa wisyo pumasok. Super late tuloy sa first subject.
Naglibrehan kami ng sweet corn at siomai ng mga friends ko.
May nanlibre pa ulit.
Nabuhay yung baby tiger :)

March 12, 2013
Ito yung araw na antok na antok na antok na antok ako.
Buti nung uwian nagkaron ng energy dahil nag foodtrip kami sa Pasay.
Noodles, squid balls, fish balls, buko juice.
March 13, 2013
Ito naman yung araw na umagang-umaga badtrip agad ako.
Umakyat ako sa 12th floor, lakad lang dahil sira elevator. Pag-upong pag-upo ko, pinababa kami gamit ulit stairs dahil sa fire drill na yan.
Pag-uwi pa namin, naglakad lang kami. Sobrang init. Sobrang hilong hilo na ako. Tumitibok tibok na yung ulo ko. Sobrang sakit. Lantutay ako sa bahay pagdating. Tapos ang dami pang ipapasa nang gabing yun.
Ayoko na ulit maramdaman yung pagkahilo na yun </3
March 14, 2013
Nung uwian dumerecho kaming ATC para mag Pepper Lunch kaso bumungad samin yung Cabalen. Alam na. Nagpakabochog.

March 7, 2013
Dahil sa suspended ako, dinamayan ako ng mga mahal kong kaibigan.
Nag-ride-all-you-can kami sa Festival. Nagpakabata ulit :)

After nun, nagkita kami ng best friend ko ♥
Sa sobrang sweet niya, nung may sinabi ako sa kanya, winalk-outan niya ako. Pinagtinginan tuloy ako ng mga tao sa paligid ko. Yung tingin na kinakaawaan ako. Shit that feeling. Nakakahiya. Hahaha. Pero syempre biro lang yun ng best friend ko sakin pero akala ng mga tao totoong nag walk out ang aking bff. What the fuck.
March 8, 2013
Walang magawa sa school. Nagpicturan lang nang nagpicturan kasama ang aking mga friends. Dumerecho na rin kami sa MOA nung bandang hapon. Yeah. Tambay.

March 9-10, 2013
Pumunta sa school para sa seminar shit. Walang magawa talaga. Wala ring matambayan. Mabuti na lang at pupunta ako sa Santa Rosa kasama si Mama.
Sa wakas nakakwentuhan ko na rin ulit yung mga pinsan ko. Medyo wrong timing pa dahil mga pagod sila galing sa retreat. Pero ok lang dahil naging masaya naman kami.
Wala akong picture kasama mga pinsan ko. Kasama ko lang yung batang kapitbahay nila. Haha. At yung isa, pinsan ng pinsan ko. Di ko alam kung anong tawag ko dun. Haha

March 1, 2013
Dahil magta-Tagaytay kami bukas, Feel na Feel namin na nasa Tagaytay na kami kahit nasa may mga damuhan at puno lang naman. As usual na gala tuwing Friday, tambay sa MOA. Kanta, kwentuhan at picturan ang laging tema.

March 2-3, 2013
Tagaytay Day! ~Tagaytay, Tagaytay~
Buong araw ata naming kinakanta yan. Sobrang saya lang.
Kanta at Halakhak ang mga baon namin. May malupit na driver pa.
Kahit napahiya kami ng onti, keri lang! :) Enjoy na enjoy!

Di na kami nakaabot sa Pyro. Kaya dumerecho na kami sa bahay ng friend ko. Inom at overnight. Sobrang nakakapagod at sobrang enjoy ang pagsayaw namin.
Dahil poor lang kami, walang wii, sa youtube lang kami ng Just Dance.

March 4, 2013
Start ng College Week namin. Dahil bored kami. Nagpunta kami sa bahay ng isa kong friend sa Guadalupe. Nag Just Dance na kami. For real na to dahil may wii na. Haha
Maghapon lang kaming nagsasasayaw. Nagkaron pa ng showdown. Feeling namin mga 10 inches na lang bewang namin. Haha.
HARLEM SHAKE. Usong-uso e. Gumawa tuloy kami >:)

March 5, 2013
Bored na bored nanaman sa school. Pumunta naman kami sa bahay ng isa sa bff ko. Sa may Makati naman.
Nagpapicture kami para sa Resume namin.
Nakipagharutan sa mga pamangkin niya.
Sana araw-araw sa iba-ibang bahay kami makapunta :D
February 27, 2013
Bakit ang cu-cute ng mga tutang to :’)

February 28, 2013
May mga kagulat-gulat na nalaman nanaman.
May mga nagyayang lumabas. Bahala na lang kung kelan matripan.
May mga nag-open ng mga problema nila sa buhay.
May mga nagkwento ng kaexcite-excite na nangyari sa araw nila.
Halo-halong emosyon lang.
February 23, 2013
Lumabas kami nung friend ko. Kumain kami nito, Ultimate Noodles sa North Park. Heavy sa sarap at bigat sa tyan. Kumain nang kumain at nagliwaliw. Gabing-gabi na nakauwi.

February 24, 2013
Lupet ng panaginip ko e. Iniimagine ko pa rin pano kung nangyari yun. Sa sobrang hapit kong ikwento sa mga bestfriends ko, nilagay ko pa talaga sa notepad para di ko makalimutan. Haha
February 25, 2013
Holiday. Walang pasok. YEAH! :D
Pumunta ng Guadalupe para gumawa ng projects. YEAH! U__U
February 26, 2013
~hindi ko maipaliwanag~
Ang gulo ng pag-iisip ko.
Grabe, sobra, solid.
Gusto ko na ayoko.
Grabe, sobra, solid.
February 21, 2013
Happy Birthday PAPU! :)
Kahit wala si Papa sa bahay, naghahanda pa rin talaga kami. Nauna pa raw kaming maghanda at kumain kesa kina Papa.
Feeling may birthday nanaman ako at pulang pula ako.

February 22, 2013
Gutom na gutom na gutom na gutom na kami. Akala namin may Pepper Lunch sa Festival, Pepper Steak lang pala. Pero ang cute nung shape ng rice nila :)
Nakasama rin namin iba naming friends. Onting laro at kantahan. Derecho pa sila sa inuman. Dahil mabait kami nung araw na yun, derecho uwi na kami ni bestfriend.

February 17, 2013
Isang magandang panaginip ang napanaginipan :)
February 18 - 19, 2013
Normal na mga araw lang naman para sakin. Masaya :)
May mapost lang na picture.

February 20, 2013
Umattend sa seminar. Sinamahan ko si isang bestfriend sa Festival.
Nawindang ako sa mga sinabi at tinanong ng mga katext ko. Define windang talaga. Hindi ko alam mga irereply ko sa kanila.